"Edi kunin mo lahat ng dugo ko! Maging okay lang ang asawa ko!" Akmang susugod papasok si Aslan pero malakas siyang itinulak ni Mike. "Gago ka ba, gusto mo bang magpakamatay?! Nung nakaraang buwan lang, nag-donate ka na dugo para sa isang pasyente! Hindi ka pa nga nakakalahating taon, hindi ka pa pwedeng mag-donate ulit, mamamatay ka!" Hinablot ni Aslan ang collar ni Mike, "Mike, makinig ka sa'kin! Buhayin mo si Kasumi! Okay lang na mamatay ako! Basta kunin mo ang lahat ng dugo, maligtas lang siya. Naiintindihan mo ba ako?! Nagmamakaawa ako, pare!" Apat na taong nagdusa si Kasumi dahil sa kanya. Hinding-hindi niya hahayaang mamatay ito ngayon! Kahit buhay pa niya ang kapalit, okay lang isasakripisyo niya! Pero sakto namang narinig ni Margareth na kararating lang ang sinabi ni Aslan. Nakaupo ito sa wheelchair, habang tulak-tulak ng nurse. Nang makita ni Margareth kung gaano ka-desperado si Aslan para iligtas si Kasumi, na sa puntong isasakripisyo nito ang sariling buhay, halos ma
続きを読む