[Piolo Tan. CEO ng Tan Group]Iyan ang pangalang tinawagan ni Kasumi sa contacts niya.Ilang ring pa lang, may sumagot na. Isang boses ng maliit na bata ang sumagot sa kanya.“Hello? Sino ‘to? Naliligo pa po ang Daddy ko eh.”Sa kabila ng kaba niya, hindi napigilan ni Kasumi na mapangiti ng tipid. “Nathan, baby, si Tita Kasumi ‘to. Naalala mo pa ba ako?”Biglang naging masigla ang boses ng bata. “Tita Kasumi! Opo naman! Naalala po kita! Teka lang po, ibibigay ko kay Daddy ang cellphone niya!” Narinig niya ang mga yabag ng bata sa kabilang linya at sumigaw. “Daddy! Si Tita Kasumi po sa phone! Important daw!”*Ilang sandali pa, narinig niya ang pag-echo ng boses sa loob ng banyo. Kinuha ng isang lalaki ang phone nito. “Kasumi, hija? Anong problema? Bakit napatawag ka sa mismong araw ng kasal mo?”“Mr. Tan,” pormal na simula ni Kasumi at huminga ng malalim. “Naalala mo ba ‘yung ipinangako mo sa akin noon? Sabi mo, kapalit ng pag-aalaga ko at pagpapagaling ko sa trauma ng anak mo, may u
Read more