Naramdaman ni Kasumi ang mainit na luha ni Aslan na pumapatak sa balikat niya. Ang sobrang init nito ay tila tumagos hanggang sa puso niya’t nagpapatunaw sa yelong matagal na nakabalot doon. Dahan-dahang itinaas ni Kasumi ang kamay niya at marahang tinapik ang likod ng umiiyak na lalaki. "Aslan, ayos lang ako. Ligtas ako."Pero mas lalo lang hinigpitan ni Aslan ang yakap nito sa kanya. "Kasumi, pinapangako ko sa'yo, hinding-hindi ko na bibitawan ang kamay mo habambuhay."Humiwalay ng kaunti si Kasumi para tignan ang lalaki. "Nababaliw ka na ba? Nakita mo ba kung gaano kadelikado yung ginawa mo kanina? Kahit na nasa loob ako, hindi ka dapat nagpadalos-dalos! Paano kung sumabog yung kotse at pareho tayong namatay? Paano na ang mga anak natin!?"Tinitigan siya ni Aslan, punong-puno pa rin ng luha ang mga mata ng lalaki. "Kasumi, minsan na kitang iniwan at hinayaang masaktan. Kaya pangako, sa buong buhay ko, kahit sa kamatayan, sasamahan kita. Wag mo na akong itaboy, please?" Ang sobran
続きを読む