"Gwapo noh, kung wala lang sana akong boyfriend baka nilandi ko na itong si Mr. Moro. He's every girl dreamed," bulong nito sa akin. "Bwisit ka may boyfriend ka na nga may gana ka pang lumandi," mahinang sabi ko rito. Tumatawa siyang nakatingin sa akin. Malapit lapit ko ng sakalin ang gaga, type na type niya ang ganitong itsura."Anong pinag uusapan ninyo...care to share," sabat ni Mr. Moro."Wala may tinanong lang ako," naka ngiwing sabi ko."You're obviously lying, hindi bagay sayo magsinungaling halatang halata..." sabi ni Satanas with accent pa. Bakit ba napaka perfect ng kumag na ito? Kahit na saang anggulo ko tingnan at kahit na anong paninira ko, hindi pa rin ito umuubra sa aking sarili."You know, perfect kayong dalawa kaya bukas aattend ako sa gathering nila Karl. I will see you both there," ika nito sa amin ni Satanas."How about me? Don't you want to invite me," ani Khristine na abot hanggang gilagid ang ngiti kay Jestoni."And you too...see you there," baling nito sa akin
Read more