"Ok..." sagot ko at ng inaayos ko an ang aking bag nakita ko ang lunch box na binigay sa akin kanina ni Diyablo. Kunot noong napatitig ako, iniisip ko na itatapon ko na lang sana at baka may lason ito. Nakakatakot kaya ang diyablo na yun sa isip isip ko.Kukunin ko na sana yun ng maunahan ako ni Maris. Kinuha niya at binuksan agad ito, hindi tuloy ako naka imik sa bilis ng kanyang ginawa. Naiiling ako na tinuloy ang pagligpit ng mga gamit ko ng biglang sumigaw si Maris sa tabi ko kaya napatingin ako dito."OMG, girl...this is my favorite food. Marami ka palang dalang pagkain kaya huwag na tayong pumunta sa canteen. I am sure wala din lang tayo maabutan doon," bilang bawi niyang pahayag.Kontrahin ko sana siya at ipapaliwanag dito ng mapaawang ako nang makita ko ang laman ng lunch box. Napa lunok ako, ang sasarap naman ng binigay nilang lunch box. Three layers ito, kanin sa unahan, sisig at lechong kawali naman ang ibang laman nito. "Tara kain na tayo sa tambayan natin," ika ni Maris.
Ler mais