“Manang Fe, pagkatapos ng football training ni Bullet iuwi mo siya agad, ha? And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Dumeritso kayo agad dito sa bahay.”“May problema ba, iha?”Napatigil si Faith sa ginagawa niya dahil sa tanong ni Manang. Halata siguro nitong hindi siya mapakali, which was very unusual for her dahil parati siyang kalmado.Matapos niyang umuwi sa trabaho kahapon ay ipinasyal niya si Bullet sa park. At hindi niya inaasahan na naroon din ang boss niyang si Theodore Saavedra. Matagal na siyang sekretarya nito, mahigit tatlong taon din. Pero matapos nang may mangyari sa kanila at magbunga iyon, kinailangan ni Faith na lumayo para isilang ang anak niya nang walang nakakaalam kahit sino. Kababalik niya lang ng syudad tatlong buwan ang nakaraan.“Wala naman po, Manang. Basta sundin niyo na lang ang sinabi ko. Umuwi kayo kaagad ng bahay.”Tumango na lanb si Manang kahit halata sa mukha nito na marami pang tanonh. Binalingan naman ni Faith si Bullet na
最終更新日 : 2026-01-19 続きを読む