Third Person's POVAbala si Vanessa sa kaniyang mga ginagawa sa table niya nang nakatanggap ng tawag galing sa bunsong kapatid ni Sebastian na si Atty. Kimberly Montefalco.Nasa ika-tatlumpu’t limang palapag ng Montefalco Tower ang desk ni Vanessa. Nakaupo siya sa isang malaking wooden desk na may tatlong computer monitors. Bukas ang calendar niya, maayos ang pagkaka-organize ng emails ayon sa priority. Kakastapos lang niyang i-schedule ang mga meetings ni Sebastian para sa susunod na dalawang linggo nang mag-vibrate ang phone niya.Lumabas sa screen ang pangalan ni Kimberly.Napangiti si Vanessa. Gusto niya si Kimberly. Ibang-iba ang bunsong Montefalco kumpara kay Sebastian. Si Sebastian tahimik, seryoso, laging kontrolado. Si Kimberly naman maingay, funny, at very expressive.Kung si Sebastian ay laging nakatago ang emosyon, si Kimberly naman parang walang filter kung magpakita ng nararamdaman. Family lawyer siya, pero kapag labas ng courtroom, hindi siya mukhang abogado. Madali siya
Read more