Kabanata 56 Sebastian's POV Tiningnan ko si Kimberly. Sincere ang mukha niya. Hindi niya ako gustong saktan—gusto niya lang tumulong. “May iba pa bang nakakaalam?” tanong ko. “Wala. Ako lang. Si Vanessa. At ikaw. That’s it. Paulit-ulit ba, Kuya Seb?” sagot niya. Tumango ako. “Good. Keep it that way.” “Obviously. Hindi ako mahilig magkalat ng sikreto.” Tahimik kaming nagmaneho ng ilang minuto. Lumuwag na ang traffic, kaya binilisan ko ang takbo. “Wala ka pa rin ba talagang nararamdaman para sa kaniya?” tanong ni Kim. Hindi ako agad sumagot. Nakabitin ang tanong niya sa hangin. Hindi ako makasagot. Kasi kahit ako, hindi ko rin alam. “Do you love her, Kuya?” pilit ni Kimberly. “Simple question lang. Yes or no.” “It’s not simple.” “Yes, it is. You either love someone or you don’t. Walang in-between. Ang hina mo talaga pagdating sa pag-ibig. Ang simple lang ng tanong ko.” Napaisip ako kay Vanessa—kung paano siya ngumiti sa umaga, kung paano niya ako timplahan ng kape exactly t
Read more