Kabanata 158Vanessa's POVMagkayakap pa rin kami ni Sebastian matapos naming magdesisyong bigyan ng isa pang pagkakataon ang relasyon namin. Tahimik lang kaming nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan ang anak naming si Conrad na tutok na tutok sa panonood ng soccer sa TV.Tanging boses ng commentator at sigawan ng mga manonood sa stadium ang bumabasag sa katahimikan ng hotel room.Naka-cross legs si Conrad sa carpet, halos hindi kumukurap habang nakatutok sa screen. Maya't maya ang palakpak niya kapag napapalapit ang bola sa goal. Hindi ko nga alam kung aling team ang sinusuportahan niya. At sa totoo lang, wala akong pakialam.Ang mahalaga...Masaya siya.Mahigpit ang braso ni Sebastian sa baywang ko habang nakasandal siya sa likod ko. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko, para bang natatakot siyang kumalas kahit isang segundo lang.Pakiramdam ko tuloy, kapag gumalaw ako, baka lalo siyang kumapit.Hindi ko siya sinisisi.Pareho kaming dumaan sa impiyerno nitong mga nakaraang linggo.
Magbasa pa