Kabanata 14 Kimberly's POV Gabi na nang makauwi ako sa condo. Pakiramdam ko, wala nang natitirang lakas sa katawan ko. Mabigat ang bawat hakbang ko habang naglalakad papunta sa p***o. Namumugto pa rin ang mga mata ko sa kakaiyak, sumasakit ang ulo ko, at halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko dahil sa buong araw na pagod. Pagkabukas ko ng p***o, tahimik ang bumungad sa akin. Hindi katulad ng mga nakaraang gabi. Isinara ko ang p***o at dahan-dahang inilapag ang bag ko sa sofa. Akala ko, walang tao sa loob. Pero napansin kong may ilaw na nakabukas sa kusina. Napakunot-noo ako. Lumapit ako roon at agad kong nakita ang hapag-kainan. May nakahain nang pagkain. May manok na may gravy, ginisang gulay na may creamy sauce, mainit-init pang kanin, at isang baso ng malamig na tubig na may yelo. Halatang hindi basta-basta inilapag lang ang mga iyon. Maayos ang pagkakaayos ng plato at kubyertos, parang sinadya talagang pagandahin. Napansin ko rin ang maliit na note na nakapatong sa t
اقرأ المزيد