Kabanata 22 Kimberly's POV Tumango ako at sumunod sa kusina. Nakahain na ang almusal. Mainit pa ang sinigang, bagong saing ang kanin, at may sunny-side up na itlog sa isang plato. Napaupo ako at kumuha ng kutsara. Pagkatapos ng unang subo, napapikit ako. "Ang sarap." Napangiti si Cameron habang nagtitimpla ng kape. "Sabi ko sa 'yo, kailangan mong kumain." "Tama ka." "Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kagabi." Napabuntong-hininga ako. "Promise." Tahimik kaming kumain ng ilang minuto bago ko siya muling tiningnan. "Cameron." "Hmm?" "Samahan mo 'ko mamayang bumili ng isusuot mo." Napataas ang kilay niya. "Para saan?" "Para sa auction bukas." "May suit naman ako." "Hindi pwede. Gusto kong presentable ka." Napatawa siya. "Attorney, bayaran lang ako." "Ako na ang bahala sa gastos." Agad siyang umiling. "No." "Bakit?" "Ako ang bibili ng suit ko." "Huwag ka nang mahiya." "Hindi ako nahihiya." "Sadyang ayokong pinaggagastos ang babae." Napatawa ako. "Napaka-old fa
Read more