Kiara’s POVNakangiti ako habang pinagmamasdan si Kara na namimili ng wedding gown. Ilang beses na siyang nagpapalit-palit ng suot, pero halata pa rin ang kaba sa mga kilos niya. Hindi siya mapakali. Paulit-ulit niyang tinatanong ang stylist kung bagay ba sa kaniya ang bawat damit.“Relax ka lang,” sabi ko habang nakaupo sa sofa. “Hindi naman ito hearing sa korte.”Napanguso siya. “Ate Kiara, iba ito. Once in a lifetime lang ito.”“Ganoon din naman ang kaso sa korte minsan,” sagot ko. “Pero hindi ka naman ganito kabado.”“Because this is different,” sagot niya. “This is my life.”Tahimik ako sandali habang pinagmamasdan siya. Hindi ko maiwasang maalala kung gaano kami kalayo sa ganitong sitwasyon noon.Dati, hindi kami nag-uusap nang maayos. Puro inggit, puro galit.Ngayon, siya pa ang lumalapit sa akin.“Ate Kiara, how about this?” tanong niya sabay turo sa isang gown.Tumingin ako. Simple pero elegant. Malinis ang design.“Try mo,” sabi ko.“Talaga?” tanong niya.“Oo. Mukhang bagay
Read more