Kiara’s POVNagpasya akong huwag muna magpakita kay Mama sa ospital. Hindi ko alam kung paano haharapin ang galit at pagkabigla niya sa ganitong sitwasyon. Ramdam ko na lalo siyang mahihirapan kapag nakita niya ang sarili niyang anak na may relasyon sa tiyuhin—at buntis pa. Mas pinili kong manatili sa bahay ni Chase, habang abala siya sa pag-aayos ng mga problema—sa amin, sa kumpanya niya, at sa lahat ng posibleng komplikasyon. Halos ako na lang ang nakatingin sa kanya, hindi makausad o makaalis, habang siya ay nakatutok sa tawag, email, at meeting, bawat kilos niya puno ng urgency para masiguro na hindi lalala ang isyu.“Kiara, huwag kang mag-alala,” sabi niya habang inaayos ang mga dokumento, mata punô ng determinasyon. “Gagawa tayo ng paraan para ma-control lahat. Legal, PR, lahat ng puwede nating gawin.”“Chase… hindi ko alam kung paano ko haharapin lahat ng ito,” malakas ngunit nanginginig ang boses ko. “Mama, Papa, si Lola… ang galit nila sa atin… at si Kara… ramdam ko ang lahat
더 보기