Nang matapos na ako sa Table 8 ay tumungo na rin ako sa table 10 inilagay ko na sa tray ang mga wine glass, plates, caviar spoon, cake and pie server, luncheon knife at iba pa.Palihim nalang akong napamangha dahil itong nakaserve rito ay pangmayaman talaga ang presyo, hindi basta-basta. May caviar pa nga, hindi pa inubos. Nang matapos kong linisin ang table ay nahagip ng mata ko ang trench coat na nakasabit sa likod ng upuan, mukhang naiwan ata ito ng customer. Kinuha ko iyon para sana ibigay sa lost and found nang mapatigil ako sa pamilyar na amoy na 'yon, matagal ko nang hindi ito naamoy kaya hindi ko masabi kung saan ko ito naamoy dati."That's mine."Agad nagsitaasan ang mga balahibo ko nang marinig ang malamig na boses na iyon, napalingon agad ako sa likod upang makumpirmang totoo ba ang narinig ko. Parang nasa karera ang puso ko nang magtama ang mga mata namin, wala akong ibang masabi dahil blanko ang isip ko ngayon, parang hinihigop ako ng mga titig niya. Kulang ang ilang se
Read more