Lana Serrano’s POV Ang unang gabi sa Knight Mansion, hindi ako nakatulog nang maayos. Habang mahimbing na tulog ang triplets sa malalambot na kama, ako naman ay gising pa rin, nakatitig lang sa kisame. Pakiramdam ko para akong nakakulong sa kwartong ’to. Kinabukasan, maaga akong nagising, hindi dahil sa alarm kundi dahil sa disiplinang nakasanayan ko sa New York. Paglabas ko ng kwarto, sinalubong agad ako ng amoy ng bagong lutong bacon, pancakes, at kape, pero imbes na matakam, mas lalo lang uminit ang ulo ko. Pagbaba ko sa malaking dining hall, agad ko siyang nakita. Nakaupo si Eros sa dulo ng mahabang mesa, abala sa tablet habang paminsan-minsang humihigop ng kape. Mukha siyang komportable sa suot na puting cotton shirt—malayong-malayo sa pormal at istriktong itsura niya kahapon. "Good morning, Lana," bati niya nang hindi tumitingin. "I had the chef prepare the kids' favorites. Umupo ka na." "Hindi kami rito kakain," malamig kong sabi. Napatigil si Eros at dahan-dahang ibinab
Last Updated : 2026-02-06 Read more