Lana Serrano POV Pagpasok ko pa lang sa main lobby ng Knight Industries, naramdaman ko na ang bigat ng paligid. Hawak ko ang blueprint ng Knight Plaza, pero ang isip ko ay nasa mukha ni Eros kagabi noong nalaman niya ang hirap ko sa New York. "Engineer Serrano, sa Boardroom po ang deretso niyo," bungad ni Marcus sa akin. Halatang puyat din siya, pero mas seryoso ang tingin niya ngayon. "Bakit doon? Akala ko sa technical department ang meeting?" tanong ko. "Si Sir Eros po ang nag-utos. Gusto niyang nandoon kayo," sagot niya habang pinipindot ang elevator button. Nang bumukas ang pinto ng Boardroom, bumungad sa akin ang mga matatandang board members. Sa dulo, nakaupo si Aurelia Knight, na parang reyna kung makatingin. Si Eros naman ay nakatayo sa harap ng malaking screen, nakasuot ng all-black na suit. "Engineer, maupo ka," utos ni Eros. Ang boses niya ay hindi katulad ng pagmamakaawa niya kagabi. Ngayon, siya na ulit ang CEO na kinatatakutan ng lahat. "Eros, can we start? Sayang
Last Updated : 2026-02-28 Read more