Clara Santos POVAlas-sais pa lang ng umaga, rinig ko na ang boses ni Sebastian sa baba. Iba talaga ang energy niya kapag Lunes; parang nakalimutan niya na kahapon lang ay nag-picnic kami at nag-relax sa ilalim ng puno. Pagbaba ko, nakita ko siyang kausap si Ben sa pintuan ng kusina, parehong may hawak na kape."Ben, 'yung irrigation system sa Plot C, paki-manual check mo muna bago mo i-on 'yung timer. Gusto ko siguradong pantay 'yung bagsak ng tubig sa mga bagong lipat na punla," bilin ni Sebastian."Opo, Sir. Chineck ko na rin 'yung pressure kanina, mukhang okay naman. Si Rico naman po, inuuna 'yung pag-spray ng organic fertilizer doon sa may bandang dulo," sagot ni Ben bago lumabas patungo sa greenhouse."Good morning, Hon. Ang aga natin ah," bati ko kay Sebastian habang kumukuha ng tasa."Morning, Clara. Kailangan nating mag-double time today. Sabi ni Chef Marcus, baka magdagdag sila ng order para sa weekend buffet nila, kaya kailangan nating i-ready 'yung extra batch ng Garlic-He
Read more