Clara Santos POV "Okay, guys, listen up. Malaki ang order na 'to kaya kailangan natin ng system. Walang magmamadali para hindi tayo magkamali sa timpla, pero kailangan nating maging efficient." Nakatayo si Sebastian sa gitna ng dining area, suot ang kanyang bagong black apron na may logo ng 'Sebastian’s Spice'. Hawak niya ang isang clipboard na parang nasa gitna siya ng isang corporate meeting, pero ang totoo ay nasa harap lang siya nina Diana, Ben, at ng tatlong kamag-anak ni Aling Nena na sina Lani, Tess, at ang batang si Jojo. "Ben, ikaw ang bahala sa final washing ng sili. Make sure na tuyo na sila bago i-grind para hindi maging matubig ang sauce. Lani, Tess, doon kayo sa veranda. Doon ang peeling station ng bawang. Jojo, ikaw ang runner. Kapag puno na ang tray ng balat, itapon mo sa compost pit sa likod tapos balik agad dito," utos ni Sebastian. "Copy, Sir!" masayang sagot ni Jojo, na mukhang excited sa bago niyang trabaho. "Clara, the kitchen is yours. Ikaw ang boss sa pagl
Mehr lesen