Clara Santos POV Linggo ng umaga, pero imbes na magsimba at magpahinga lang, maaga kaming nasa parking lot ng town plaza. Ngayon ang unang pagkakataon na sasali kami sa "Bayan Fresh Sunday Market." Hindi ito kagaya ng supermarket na i-de-deliver mo lang ang box; dito, kailangan mong humarap sa tao, mag-alok, at makipag-kwentuhan. "Sebastian, 'yung table cloth, nasaan? 'Yung checkered na red and white para makuha natin 'yung farm-to-table aesthetic," tanong ko habang binubuksan ang likod ng pickup. "Nasa ilalim ng crates, Hon. Ben, tulungan mo si Ma'am Clara sa paglatag. Ako na rito sa mga display jars," sagot ni Sebastian. Pawis na siya agad kahit alas-sais pa lang ng umaga dahil sa bigat ng mga dalang stocks. "Ate, heto na 'yung mga flyers! May QR code na 'yan para sa social media natin," hiningal na sabi ni Diana habang tumatakbo palapit sa amin. "Grabe, daming tao na agad sa kabilang booth. Mukhang sikat 'yung nagbebenta ng organic honey." "Huwag kang mag-alala, Diana. Kapag n
Read more