Clara Santos POV "Sebastian, dahan-dahan ang paglapag niyan. Baka may mabasag, sayang ang stocks natin," paalala ko habang pinapanood ko silang magbaba ng mga karton sa Regional Convention Center. Alas-singko pa lang ng madaling araw pero punong-puno na ng tao ang loob ng hall. Maingay ang paligid—maririnig ang tunog ng mga martilyo, ang pag-usad ng mga heavy-duty trolleys, at ang sigawan ng mga exhibitors na nag-aayos ng kani-kanilang mga booth. Ang lamig ng aircon ay humahalo sa amoy ng bagong pinturang kahoy at kape. "Clara, relax. Naka-bubble wrap lahat 'yan sa loob," tawa ni Sebastian, pero halatang maingat din ang bawat kilos niya. "Ben, 'yung mga display crates, ilagay niyo sa bandang gitna. Rico, 'yung dalawang pots ng sili, paki-pwesto sa magkabilang gilid ng table." "Opo, Sir. Siguradong agaw-atensyon 'to pagpasok ng mga tao," sagot ni Rico habang maingat na inilalapag ang malalaking ceramic pots na mayabong ang pulang bunga ng sili. Mabilis kumilos ang team namin. Si D
อ่านเพิ่มเติม