Lihim na napasimangot si Elyan nang makita niya ang reaksiyon ng mukha ni Yugi kanina bago siya nito talikuran.Kaya naman sa mga sandaling iyon ay naisip niya na baka narinig nito ang pag-uusap nila. Paniguradong narinig nito ang mga sinabi ni Diego tungkol sa kagustuhan nitong ligawan siya kahit pa tumanggi siya.Hindi kalaunan ay tinapunan niya ng tingin si Jessica na sa puntong iyon ay ngiting-ngiti habang nakikipag-usap kay Diego. Naningkit ang kanyang mga mata kung saan ay napapaisip din siya kung totoo nga bang gusto siyang ligawan ng binata o inutusan lamang ito ng dalaga.Not long after that, she smiled at her nang mapadpad muli ang tingin nito sa kanya.Sa ngayon, kailangan niyang magpanggap na tunay ang pakikitungo niya rito para hindi ito makahalata. Kailangan niyang magpanggap na kaibigan pa ang turing niya rito para magawa pa niya ang plano niya tungo rito."Sige, best friend, mauna na kami," anas ni Malea at
Mehr lesen