"So, you're saying…imbes na ikaw ang mag-first move, si Ms. Marquez ang nauna?" kunot-noong tanong ni Lester. "That only means, may gusto rin talaga siya sa 'yo."Matapos ang pahayag na iyon ng binata ay agad na umangat ang dulo ng labi nito. Sa kabilang banda naman ay tumango lamang si Yugi bilang tugon sa sinabing iyon ng kanyang kapatid.Kung tutuusin, maging siya ay hindi makapaniwala na may gusto rin pala si Elyan sa kanya. He's been pushing her away, he's always been grumpy and rude whenever she's around, pero iyon pala ang dahilan kung bakit tuluyang nahulog sa kanya ang dalaga."Wow!" napapailing na anas ni Lester. Muli ay sinsero siya nitong hinarap. "Pero kung hindi niya ginawa 'yon, meron ka bang pinaplanong gawin? If Mr. Yal didn't approach you to tutor his daughter, what would you do then?"Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Yugi sa tanong na iyon ng binata.He actually has a plan."Gusto mo ba tal
Read more