"Senyorito Yugi, ang aga niyo naman hong nagpunta rito," nakangiting bati sa kanya ni Marcelo at itinigil ang ginagawa nito. "Halos wala pa ho kaming nailuluto at magsisimula palang kami."Umiling siya at tinapik ang balikat ng huli. "Ano ka ba? Hindi naman ako nagpunta rito para makikain lang sa inyo. Nagpunta rin ako rito para kamustahin kayo lalo na ang mga bata. Nasaan ba sila?""Nandoon ho sila sa likod, sinasamahan si David at ang asawa niya sa pagluluto," sagot nito. "Ang iba ay nakatulog na kahihintay sa inyo at ang iba naman ay nandoon sa sapa, naliligo kasama sina Eugene at Mirasol.""Ganoon ba?" anas niya na ikinatango ni Marcelo. "Magandang tanghali ho, senyorito Yugi," bati ni Rusto, ang isa sa mga magbubukid sa kanilang hacienda. "Long time no see ho. Mabuti naman at nakauwi na kayo.""Oo. Nandito na nga ako. It's good to be back," nakangiti niyang sagot. "Pero wag kayong mag-alala dahil kahit ilang taon akong nanatili sa city a
Read more