Masuk"Balak ko naman talagang sabihin sa 'yo ang totoo," anas ni Yugi habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig kay Elyan, "naghahanap lang ako ng tamang oras—not just for you, but for myself. Yes, you heard it right, I am the heir of the Zafara family, pero ni minsan ay wala sa intensyon ko na tanggapin ang papel na 'yon."Hindi umimik si Elyan, bagkus ay mataman lamang nitong pinagmamasdan ang binata."I saw them work every single day," pagpapatuloy niya. "During holidays, weekends, at kung minsan pa nga ay hindi na sila nakakapunta sa birthday naming magkakapatid. Para sa 'kin, okay lang 'yon. Naiintindihan ko sila. Pero pagdating sa mga kapatid ko, ayaw ko silang nakikitang nalulungkot. That's why it was so hard for me to accept that role."Hindi ko magawang sabihin sa 'yo ang totoo dahil maging sa sarili ko ay hindi ko tanggap. Ayaw kong matulad sa kanila na halos nawawalan na ng oras sa sarili at sa pamilya. That's why I chose to run away from home and decided to become a professor."
Matapos ang isa't kalahating oras na inuman at kuwentuhan, tuluyan na rin silang lumabas ng bar. Bagama't nagpumilit ang magkapatid na maghihintay na lang sila ng masasakyan nila, nagpumilit din sina Yugi at Elyan na ihahatid na nila ang mga ito.Kaya naman sa mga sandaling iyon ay walang nagawa sina Malea at Lorea kundi ang sumunod na lamang sa kanila.Ngunit habang tahimik si Yugi na nagmamaneho at tinatahak ang daan pauwi ay hindi maalis sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Malea."A cool-off is a temporary breakup. Oo at naghiwalay kayo, temporarily, pero wag mong asahan na titigil si Prof. Yugi sa kung anong nararamdaman niya para sa 'yo. Sure, madidiktahan mo siya, pero hindi mo kayang diktahan ang puso niya o kung ano ang kaya niyang gawin para sa babaeng gusto niya."Dinagdagan pa nga iyon ni Lorea."Swerte ka nga dahil kahit cool-off kayo ng boyfriend mo ay pinupuntahan ka pa rin niya at kinukulit. Yung ex-boyfriend ko nga, may iba na kaagad kasama! Bwisit! Hindi man la
Parehong hindi mapatid ang ngiti sa mga labi nina Malea at Lorea habang matamang pinagmamasdan sina Yugi at Elyan. Limang minuto na ang nagdaan simula nang dumating ang binata pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring walang imik ang magkapatid.Bagama't hindi man sila magsalita ay kitang-kita kung paano sila kiligin. Halata sa kanilang mukha lalo na't parang pinunasan ng blush on ang kanilang mga pisngi.Hindi lamang iyon.Habang panay ang pagsiko ni Malea, panay naman ang pagkurot ni Lorea sa tagiliran ng kanilang kaibigan. Kaya naman sa puntong iyon ay kulang na lang na ipagtulakan ni Elyan ang magkapatid para lang matigil ang mga ito.Pero sa kabila naman ng inis niyang iyon tungo sa dalawa, mas matindi ang inis na nararamdaman niya sa binata. Nag-usap na silang dalawa at malinaw na sa kanila na pansamantala muna silang maghihiwalay at hindi mangingialam sa sari-sarili nilang buhay.Ngunit imbes na gawin iyon ay nandit
Nabulabog ang pagmumuni-muni ni Elyan nang marinig niya ang malakas na pagkalampag ng lamesa sa kanyang harapan. Nag-angat siya ng tingin at hindi kalaunan ay binalingan niya ang kanyang mga kaibigan."Ano? Tulala ka na naman," anas ni Lorea at lumagok ng alak mula sa bote na kabubukas pa lamang nito. "Kanina pa kami daldal ng daldal, hindi ka naman pala nakikinig."Siniko ni Malea ang kapatid nito. "Pwede bang intindihin mo na muna si Elyan ngayon? Alam mo naman siguro kung ano ang pinagdadaanan niya, hindi ba? Hindi lang ngayong araw, pero no'ng mga nakaraan pa. Isa ring rason kung bakit inaya natin siyang lumabas ay dahil gusto natin siyang damayan…at hindi pagalitan."Pinantaasan ni Lorea ng kilay ang kapatid at ilang saglit pa ay hinila nito ang dulo ng buhok ng huli."Wow! Ako? Nagagalit? Sino kaya sa 'ting dalawa ang nanenermon, ha?" ani Lorea at muli ay lumagok ng alak. "Saka, sino bang nagsabi na pinapagalitan ko s
Paglabas pa lamang ni Yugi mula sa kanyang kotse ay agad nang natigil ang mga estudyante sa kanilang mga ginagawa. Ang iba ay nahinto sa pag-uusap at sinundan siya ng tingin, habang ang iba naman ay napukol ang atensyon sa kanya imbes na sa librong kanilang binabasa.Ngunit sa puntong iyon ay mas nanaig ang katahimikan habang abala niyang tinatahak ang daan patungong administrative building. Inaasahan niyang may maririnig siyang bulungan o tawanan.Bukod pa roon ay inaasahan din niyang may biglang lalapit sa kanya at babatuhin siya ng kung ano-anong mga hindi makain na salita.But that never happened.Pero mangyari man ang mga iyon o hindi, walang rason para umatras siya.Hindi kalaunan ay saglit siyang nahinto sa paglalakad nang tuluyan na siyang makarating sa harap ng gusali. Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya nang mapukol ang tingin niya sa second floor kung saan nandoon ang Dean's Office.Matapos ang mga sandaling iyon ay tuluyan na rin siyang umakyat ng hagdan.K
"Tutor, huh?" patango-tangong anas ni Mr. Ian.Tinapunan nito ng tingin ang mga kasamahan nito, ngunit ilang saglit pa ay muli na naman nitong itinuon ang atensyon nito kina Mrs. Levian at Elyan."He might be Ms. Marquez's tutor, but that doesn't change the fact na lumagpas pa ang relasyon nila roon," sambit nitong muli. "Mrs. Levian, walang masama sa pagiging tutor. Pero ang tanong, talaga nga bang tutor nitong si Ms. Elyan si Mr. Zafara? Meron bang patunay?"Natawa si Mrs. Arevalo. "She's already a college student. Hindi na siya bata na kailangan pa niyang magkaroon ng tutor. Doesn't she know how to study properly?""Saka isa pa," dagdag ni Mrs. Damian, "meron bang tutor at student na naghahalikan? Kahit sa pisngi pa 'yan, hindi pa rin dapat. Kitang-kita sa mga pruweba dito sa kinuhang picture ng witness natin. They are more than that."Inilapag nito sa harap ni Mrs. Levian ang mga litratong nagpapatunay tungkol sa sinabi nito. Hindi lamang magkahawak-kamay sina Elyan at Yugi, kundi
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya
Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito.Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Napahilamos siya sa kan
Hindi man niya aminin ngunit labis ang pagkahumaling ni Elyan kay Professor Yugi.Kung tutuusin ay tuwang-tuwa siya sa tuwing rinig niya ang inis at inggit ng mga kaibigan niya sa tuwing sinasabi ng mga ito na sana ay Professor nalang din nila ito - kahit sa isang subject lang.Well, hindi siya prou







