Matapos mag-almusal ay agad na ring nagpaalam ang mga kapatid ni Yugi na sina Kaliya, Talia at Lester. Sa katunayan, ayaw nilang pumasok ngayong araw dahil Biyernes naman at isa pa sa mansion ng mga Zafara gaganapin ang birthday ng kanilang tiyahin na si Miranda, ang ina ni Ara.Kung tutuusin, wala itong kaalam-alam dahil nagpasya ang magkakapatid na sina Arnulfo, Bella at Lorena na itago ang tungkol doon.It's Miranda's 50th birthday.Gustong tumulong ni Lester, lalong-lalo naman na ang kambal na sina Kaliya at Talia, sa paghahanda. Ngunit ang masaklap bantay-sarado sila ni Yugi.Kaya naman sa mga sandaling iyon ay natatawa na lamang sina Levian at Arnulfo sa naging reaksiyon ng kanilang mga anak. Simula nang bumalik si Yugi, ramdam na nilang muli ang kaayusan sa kanilang bahay at pamilya.Si Yugi lang ang may kayang pumutol ng sungay ng kanyang mga kapatid. Kayang-kaya rin nitong kontrolin ang sitwasyon at desisyon ng iba pang miyembro ng pamilya Zafara.Ilang minuto ang nagdaan ay
Read more