Share

VOLUME 1 CHAPTER 13.2: KONDISYON

Author: aqescritora
last update publish date: 2026-02-09 22:54:21

Hindi iyakin si Tricia dahil noon pa man ay naniniwala siya na tanging ang mga talunan lang ang umiyak, at hindi siya talunan para umiyak.

Ngunit ngayong alam niya sa sarili niyang hindi siya naging mabuting ina at napakarami niya pang pagkukulang sa kanyang mga anak ay hindi niya mapigilan ang sariling umiyak nang malakas.

Iniyak niya ang lahat ng sakit at pagsisising nararamdaman niya at ang tanging mga katagang nasasabi niya lang sa kanyang anak na labis niyang nasaktan ay "Patawad…"

Tahimik
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 18.1: LEKSYON

    "P-po?" gulat na tanong ng HR manager nang marinig ang sinabi niya. Halata sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.Bumuntong-hininga siya saka muling nagsalita. "I said, hire another secretary or assistant for me," aniya."P-pero, bakit pa po kayo naghahanap ng bagong assistant o sekretarya, Sir? Gayong nariyan naman na po si Tricia," pagkukwetsyon nito. Napailing siya saka inis na tinignan ang HR manager na bahagyang napayuko. "Stop questioning me. Just do what I want you to do. Hanapan mo ako ng bagong magiging assistant o sekretarya sa lalong madaling panahon. At hangga't naririto sa kumpanya si Tricia, dapat maayos ang trato sa kanya ng ibang mga empleyado. Kapag may nakita kang nambabastos sa kanya, report it to me immediately, naiintindihan mo?"Sunod-sunod ang agarang pag tango ng HR manager. "Opo, Sir! Naiintindihan ko po!"Tumaas ang kilay niya bago tumango. "Good," aniya bago umalis.Samantala, sa paglipas ng mga araw, kumalat agad sa mga empleyado ng Arell

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 17.2: GAY?!

    Mariing napapikit si Tricia bago napabuntong-hininga dahil sa mga naisip.Hay nako, bakit pa nga ba siya umaasa na ipagtatanggol siya ni Timothy gayong kung hindi lang dahil sa anak nilang si Tintin ay baka divorced na sila ngayon?Bumalik sa ulirat si Tricia nang bigla na lang may isang payat na lalaki ang bumagsak sa harapan nila. Ang assistant ni Timothy na si James ang tumulak dito."Ah!" pagdaing nito, siguradong nasaktan dahil sa pagkakatulak.Nakita niya ang agad na pagdalo ni Mr. Chua sa lalaki, bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala."Mrs. Chua, hindi ba't gusto mo ng eksplenasyon? Well then here, this is the explanation that you want," kapagkuwan ay saad ni Mr. Arellano.Umismid si Mrs. Chua. "Anong klaseng explanation ito?! Anong maitutulong sa akin ng lalaki 'to, ha?! Mr. Arellano, ang gusto ko ay turuan mo ng leksyon itong si Tricia dahil mal*ndi itong babaeng 'to! Siya ang kabit ng asawa ko!"Tumango si Mr. Arellano. "Kaya nga, Mrs. Chua. Para lang ipaalam ko sa iny

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 17.1: KABIT?

    Sa kabilang banda, isang malamig na tingin ang iginawad ni Tricia sa babaeng sumugod sa kanya. Nakasuot ito ng sopistikadang damit mula sa kilalang brand, mayroon pa itong fur coat na suot. At sa tantiya niya ay nasa 30 pataas ang edad nito."Sinasabi ko na nga ba! Walang duda! Kaya pala laging dito sa kumpanya ng mga Arellano naglalagi itong magaling kong asawa! 'Yun pala ay nauto siya ng gaya mo! Maganda ka lang pero maihahalintulad ka sa kalapating mababa ang lipad! Napaka l*ndi mo! Paano mo naatim na gawin ang ganitong bagay ha? Kumakalantari ka sa lalaking may asawa! Bakit hindi ka magpakatino at kumilos na parang karespe-respetong babae kaysa ang maging kabit?!" galit na galit nitong tanong sa kanya bago winaksi ang kamay ng asawa nitong kanina pa umaawat.Tumaas ang kilay niya bago sinulyapan ang lalaking katabi ng babae na asawa nito. Sakto lang ang tangkad ng lalaki, ngunit mabalbas ito at kalbo rin. Hindi sa nang-iinsulto siya, ngunit sa isang tingin pa lang sa lalaki ay al

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 16.2: BAGONG SEKRETARYA

    Makalipas ang tatlo oras, tagumpay na nakahanap ng trabaho si Tricia bilang isang isang sekretarya sa isang kilala ring kumpanya. Ang Arellano Intercorporation.Samantala, si Alvin Arellano na siyang CEO ng kompanya ang kapapasok pa lang nang batiin siya ng kanyang mga empleyado. Partikular na ang mga babae. "Good morning po, Sir," bati ng mga ito na tinanguan niya lamang.Nang madaanan ang cubicle ng HR manager ay agad niyang tinanong ito. "Where is she?" tukoy niya sa bagong sekretarya niya na ngayon niya palang makikita."Nasa opisina niyo na po siya, Mr. Arellano. Naghihintay po siya ro'n," magalang nitong sagot. Tumango siya saka mabilis na naglakad papunta sa kanyang opisina, nasasabik kasi siyang makilala ang bago niyang sekretarya. Sigurado siyang maganda ito dahil alam naman ng mga empleyado niya na gustong-gusto niya ng mga presentable at magagandang empleyado.Nang makarating sa tapat ng kanyang opisina ay huminga muna siya ng malalim bago nilabas ang rosas na nasa bulsa

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 16.1: CUSTODY

    Hindi kaagad na proseso ni Tricia ang narinig at nanatili siyang awang ang mga labi habang natulos sa kanyang kinatatayuan.Hindi niya mawari kung ano bang dapat niyang maramdaman gayong nalaman niya na siya ang babaeng mahal ni Timothy noon pa man, naghahalo-halo na ang nararamdaman niya.Hindi niya rin alam kung dapat niya bang paniwalaan ang narinig gayong bago pa siya tuluyang makapagtago kanina ay napansin niya ang tila paglingon ni Marcus sa gawi niya. Sa tingin niya ay nakita siya nito.At kahit pa wala namang ginagawang masama sa kanya ang lalaki, hindi niya maiwasang maisip na baka kasabwat ito ng kapatid nitong si Marian. Na baka kaya sinabi nito 'yon ay dahil gusto nitong umasa siya na siya nga talaga ang mahal ni Timothy kahit na hindi naman.Samantala, tamad na sumandal naman si Marcus sa sofa na kinauupuan niya sa loob ng opisina ni Timothy. Kapagkuwan ay pasimple niyang sinulyapan ang nagtatagong pigura ng isang sa pinto ng opisina ni Timothy na alam niyang walang iba k

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 15.2: SIYA ANG BABAENG MAHAL NA MAHAL MO

    Sa kabilang banda, galit na galit naman si Marian. Talagang naiingit at nagseselos siya dahil si Tricia ang naging asawa ni Timothy na gustong-gusto niya.Bukod do'n, naiinggit din siya dahil nabuntis si Tricia at si Timothy pa ang ama.Galit na galit siya sa babae, ngunit alam niyang sa likod ng galit na 'yon ay mas nangingibabaw ang inggit at pagseselos sa sistema niya."Wala kang kwenta, Tricia! Pampalipas oras ka lang! Kawawa ka dahil hindi ka naman talaga mahal ni Timothy! Ito ang tatandaan mo, Tricia, lasapin mo na ang pagiging Mrs.Imperial ngayon, dahil sa oras na bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Timothy, sigurado akong mabilis ka lang niyang ipagtutulakan palayo at hindi ka na ulit pa magiging isang Mrs. Imperial! At hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yon, Tricia. Sisiguraduhin kong masasaksihan ko ang araw na si Timothy mismo ang magpapatalsik sa'yo!" sigaw niya, ngunit kahit na gano'n ay nanatili ang malamig at kalmadong ekspresyon ni Tricia.Ni hindi man lang ito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status