Halos hindi nakatulog si Amayah dahil sa kaiiisip ng magandang plano para maisahan niya si Nolan. Kaya naman, maaga palang ay nasa kusina na siya, naghahanda ng almusal. Simpleng pagkain lang ang hinanda niya, pritong isda at kanin. Tapos may tinapay, gatas para sa mga bata at kape naman para sa kanyang asawa. Ilang minuto matapo niyang makapaghanda ng almusal ay magkakasabay na bumaba at pumasok ng kusina ang kanyang mga anak at asawa. Tinulungan niyang makaupo ang kambal samantalang tahimik lang naman na naupo ang asawa. "Good morning, Mommy," bati ni Syresse. Napangiti naman siya. "Good morning, babies." "Why are you up so early? May lakad ka ba?" tanong naman ni Lorean. Napatikhim naman siya. "M-Makikipagkita lang ako kay Donna mamaya." "Can we join you, Mommy? Syresse wants to see Ninang Donna," anang anak. "Why don't you take the kids with you?" saad naman ng asawa. Para naman siyang nabilaukan dahil sa pressure na biglang binato sa kanya ng mga ito. Hindi niya m
Last Updated : 2026-02-02 Read more