Sabado ngayon at walang pasok ang mga anak. Pagkakataon na ni Amayah na mukha ang loob ng mga bata kaya naman, bitbit ang mga binili niyang laruan at stuff toys ay nagpunta siya sa mga silid ng mga anak. Una niyang pinuntahan ay si Syresse. Naabutan pa niya ito na nag-aayos ng sarili nitong kama. "Hello, baby. May ibibigay di Mommy sayo," aniya. Masaya namang tinanggap ng anak ang teddy bear at mga laruan. "Salamat, Mommy!" "Let's go to your brother," anas niya. Tumango naman sa kanya ang anak tsaka sila pumunta sa silid ni Kovi. Nadatnan naman niya na abala ang anak sa tablet nito habang nakaupo sa may maliit na couch. Nilapitan naman niya ito tsaka binigay ang mga laruan at stuff toys. "Para sayo, baby," malambing niyang saad. Tiningnan naman iyon ng anak. "I don't need that stuff." "Gusto lang bumawi ni Mommy. Can you accept my gifts, baby?" balik naman niya. Pero hindi iyon pinansin ng anak bagkus ay bumalik ito sa ginagawa. "Syresse can have it." "Mommy is being nice,
Last Updated : 2026-02-08 Read more