Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanya ni Syresse nang makauwi si Amayah ng bahay. Humihikbi ito habang paulit-ulit siyang tinatawag. Kaagad naman niyang binuhat ang anak upang kargahin at patahanin ito.“Ssshhh…Mommy is here. Tahan na ikaw, baby,” bulong niya rito.“I thought you already left us. Bakit ka pa bumalik?” singhal naman ni Kovi.Tumingin naman sa kanya ang anak na babae. “Mommy, don’t leave us, please.”“Hindi aalis si mommy, baby. Don’t worry,” tugon naman niya.Nagpunta sila sa may salas upang umupo sa may sofa. Nakakalong sa kanya ang anak samantalang tahimik lang na nakaupo malayo sa kanila si Kovi. Masama ang tingin nito sa kanya na para bang minamanmanan ang bawat kilos niya.“Kovi, behave,” suway ni Lorean na bumababa ng hagdan habang inaayos ang necktie nito. “May urgent meeting sa office. Can you take Kovi to his music lesson this afternoon?”“Sure. No worries,” tugon naman niya.Napatayo naman ang batang lalaki tsaka inis na lumingon sa ama. “No. Our dr
Huling Na-update : 2026-01-27 Magbasa pa