"Kung niligtas niya nga ang buhay mo, pwede mo naman siyang bayaran sa ibang paraan," mabagal na bigkas ni Don Fernando, "Gusto niyang maging sikat? Fine. Mag-invest ka sa kanya. Bigyan mo siya ng pera. Bigyan mo siya ng resources.""Pero ng titulo? Absolutely not."Lumambot ang boses nito habang nagpapatuloy, "Huwag mong kalimutan ang unang taon ng kasal mo. Naaalala mo ba kung paano ka inalagaan ni Evelyn? Kung wala siya, hindi gagaling nang mas mabilis ang mga mata mo."Naisip niya na sana ay maalala iyon ng apo niya, ang utang na pasasalanat.Kahit simpleng bagay lang, bond pa rin iyon sa pagiging mag-asawa.Lumamig ang titig ni Dominic.Isang specialist mula sa France na nahanap ng mentor niya ang nagpagaling sa kanya, kasama ang gamutan. Iyon ang dahilan kung bakit bumalik ang paningin niya.Paanong si Evelyn ang katulong sa kanya huh?"This time, makinig ka sa'kin," madiing bigkas ng lolo niya, "Tanging ang pag-anunsyo mo lang ng kasal ang sasalba dito. Para naman kay Lydia, m
Last Updated : 2026-03-09 Read more