Alas-diyes ng gabi, isang itim na mamahaling sasakyan ang tumigil sa harap ng mahahaling condominium sa siyudad.Sumulyap si Ryan sa babaeng nakasandal sa blackseat, mariing nakapikit ang mga mata nito.Gusto niya itong abutin at ikulong sa mga bisig niya, pero bigla itong nagmulat ng mga mata, "Nandito na ba tayo? Bababa na'ko. Salamat."Tinulak pabukas ni Evelyn ang pinto at lumabas.Sumunod si Ryan at tinawag ito nang mahina, "Eve."Lumingon si Evelyn, "May kailangan ka?"Pinigilan ni Ryan ang emosyong namuo sa d*bdib niya at imbis ay malumanay na nagsalita, "Magpahinga ka nang maaga.""Mm, ikaw rin."Ngumiti si Evelyn at dumiretso na sa building nang hindi lumilingon, kinain ng liwanag sa lobby ang pigura nito. Noong makauwi, awtomatikong nagbukas ang mga ilaw.Sinipa niya pah*bad ang takong niya, at dumiretso na sa study room kahit hindi pa nagpapalit ng damit.Binuksan niya ang ordinaryong laptop na maraming lamang sikreto.Ang daliri niya ay hum*god sa keyboard at agad na napu
Last Updated : 2026-01-31 Read more