"Ang sarap talaga," ani Lori sa unang tikim pa lang niya sa mainit na lomi. Napuno ang kanilang mesa ng iba't ibang klase ng lomi at batangas special na ibinebenta sa restaurant. Nakailang bowl na agad siya, samantalang sina Weston, Gino, at Ellaine ay unti-unti pa lang tinatapos ang kani-kanilang lomi.Sina Randy, Mark, at Santino naman ay nakaupo sa magkahiwalay na mesa malapit sa kanila."Ang sarap pala talaga ng lomi no. Bakit hindi ko 'to nagustuhan noon?" nagtatakang tanong ni Lori sa sarili."Baka nagbabago lang ang taste mo, Lori. Normal namang magbago ang mga gusto natin dahil sa iba't ibang dahilan. At tsaka, talagang napakasarap ng lomi dito, panalo yung laman nila. Iba talaga kapag kinain mo sa mismong pinagmulan nito, 'di ba?" sagot ni Ellaine."You guys are free to eat as much as you like today while we're here," generous na alok ni Weston."Daddy...""Yes, my love.""Bibili rin tayo ng iuuwi natin sa Manila, ha? Magpasalubong tayo para sa mga tao sa bahay," suhestiyon n
Read more