Simula pagkagising kaninang umaga, sobrang pangit na ng timpla ng mukha ni Weston. Hindi man lang siya nagpakita ng kahit isang ngiti. Kahit nung bigyan siya ni Lori ng nakasanayan nitong malambing na morning kiss, nanatili lang siyang tahimik at napakalamig."Miss Lori, may masakit po ba sa ngipin ni Sir o ano? Bakit hindi man lang siya sumagot nung bumati ako sa kanya kanina? Sobrang tahimik niya ngayon," bulong ni Manang Andeng sa dalaga sa sandaling pumasok ito sa malawak na kitchen."Oo nga po, Miss. Ganyan din sa akin kanina," sabat naman ni Salome, sabay nguso nang konti. "Normally naman, kahit gaano kapagod si Sir, kapag may bumati sa kanya, ngumingiti siya kahit konti. Tama si Tiya Andeng; ngayon, wala talaga siyang kibo. Natatakot ako, Miss. Kapag nagiging ganyan katahimik si Sir, parang napakabigat ng aura sa buong mansyon."Napangiti lang si Lori, dahil alam na alam niya na ang madilim na mood nito ngayong umaga ay kasalanan niya...Kagabi kasi, humingi ito ng isang steamy
Read more