"Lori, I…" Natigilan si Weston, bagaman hindi niya inaalis ang tingin sa babae.Naghintay naman si Lori sa susunod niyang sasabihin.Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Wala ni isang nagsalita. Nakaupo sila nang magkaharap, ang mga platong wala nang laman ay nasa harap nila, habang ang maningas na halimuyak ng hapunan ay nananatili sa hangin, humahalo sa mabigat na katahimikang nakapalibot sa kanila."Are you okay, Lori? I mean… pagkatapos ng gabing iyon?" Basag ni Weston ang katahimikan.Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot ni Lori. Sa loob-loob niya, gusto niyang isigaw na hindi siya maayos. Hinding-hindi… Pero sa halip, ang sinabi niya ay, "Ayos lang ako, Dad."Tinitigan siya ni Weston nang diretso sa mga mata. Gusto niyang makita ang katotohanan sa likod ng sagot nito. At sa mga matang iyon, nalaman niyang hindi siya maayos.Ipinagpatuloy nila ang kaswal na pag-uusap pagkatapos niyon, pinag-usapan ang pagkain at kung ano-anong bagay na karaniwan ay hindi naman nila pinap
Leer más