Jenyfer Kinabukasan lumabas din agad ako sa ospital. Pero, nang magpaalam ako sa magulang ko kung p'wede sa bahay ni Rhys ako umuwi. Hindi pa rin ako pinayagan ni Tatay at Nanay. Kaya kinulit ko sila na payagan ako. "Nay, kung gusto mo po. Isasama ko po si Raysa. Ako po ang bahala sa kaniya. Safe naman po ang mansyon ni Rhys, marami po bantay na tauhan," hindi sumusuko na pangumbinsi ko sa kaniya. “Anak, dito ka muna sa bahay bukas ka na lang umuwi. Magpahinga ka muna kasi nag-aalala rin ako sa iyo," mariin na sabi ni Nanay, habang inaalalayan akong papasok sa loob ng sasakyan. "Nanay, kahit po kasama ko si Raysa ayaw mo pa rin? O isama ko na rin si Dawn," dagdag ko kahit hindi ako sigurado kung mapapayag ko si Dawn. Walang problema kay Raysa, dahil madaling kausap pero si Dawn, naku mabait naman pero maldita iyon. Nagtanong na rin ako sa bodyguard ko. Wala pa raw sila sinabi kay Rhys. Inantay nila ang go signal galing sa akin kung sasabihin ko raw sa boss nila, baka raw mag
Read more