Jenyfer "What? Baby, of course papasukin ko dahil Tatay mo siya. Isa pa handa akong humarap sa kaniya dahil ikaw naman ang kapalit noon. Tsk, ano ba ang iniisip mo ha, wifey?" aniya hinapit ako. Umiling ako habang nakalabi. Bwisit mabilis humalik sa labi ko kaya itinulak ko ngunit hindi lang ako binitawan. "Kahit pa ilang sapak ang ibigay ni Tatay, sulit na sulit dahil na kiss naman kita ngayon," saad n'ya kaya kinikilig ako. "Medyo lang naman kabado," pag-amin ko sa kaniya. "I'm just here. Igagalang ko kung anong desisyon mo," "Tay?" mabilis akong kumalas kay Ryhs dahil humahangos si Tatay pumasok sa main door. Nakasunod naman sa kaniya sina Kuya Sameguil at Alfonso, na kakamot sa ulo nila. Sumenyas si Rhys, okay lang iwanan na raw kami ngunit hula ko hindi basta lalayo ang dalawang ito dahil alagang-alaga nila itong boss nila. Nakangiti akong sumalubong sa Tatay ko iyon nga lang nilampasan n'ya lang ako at nanlaki ang mata ko dahil kay Rhys siya lumapit, shitty nauliniga
Read more