Jenyfer "Samahan nalang kita Ma'am Jenyfer," saad ni Matet, na nag-aalala sa akin. Naabutan niya kasi ako tulala sa living room. Kahit hindi s'ya nagtanong pero alam n'ya ang dahilan si Vanessa, kasi nakita niya raw sa labas. "Okay lang ako Matet, isa pa babalik din ako kaagad kasi hindi pa nag-reply si Rhys kanina pa iyon paggising ko. Nagtataka nga ako bakit wala siyang ni isang reply sa akin," "Asus naman Ma'am Jenyfer. H'wag kang mag-aalala tiyak na mayroon lang iyan sorpresa sa iyo," aniya halata naman gusto niya lang akong pakalamahin. "Iyan na lang din ang iisipin ko sana nga dahil may sorpresa siya. Natatakot kasi ako Matet, hindi ko maintindihan kung bakit." "Hayaan mo po tatawagan kita kapag dumating siya mamaya, na hindi ka pa nakauwi," aniya. "Salamat," tipid kong tugon sa kaniya pagkatapos nagpaalam na ako na pupuntahan ko si Nana Ebeng sa k'warto n'ya, kasi kapag wala iyon sa dining area. Nagtatambay lang iyon sa k'warto. "Nagugutom ka na ba, hija?" iyon pa
Read more