Jenyfer Pagkalipas ng dalawang buwan. Galing kami sa kulungan para silipin ang uncle at pinsan ni Rhys. Ganun pa rin walang bakas na nagbago na ang dalawa talagang matibay rin ang mag-ama. "Baby, anong gusto mong bilhin?" nang binabagtas na namin pauwi ng bahay. Dadalaw kami kasi ako kina Nanay at Tatay. "Kahit ano na lang hindi naman mapili ang mga iyon," tugon ko kaya tumigil kami sa bilihan na lang ng sikat na pizza. Pagbaba namin sa tabi ng kalsada kasi may laan na parking para sa customer. Marami mga tao naglalakad. Maraming napapatingin sa asawa ko puno ng paghanga sa kanilang mata. G'wapo naman talaga ito ang tangkad pa nito kaya agaw pansin pero itong asawa ko. Hindi naman namamansin. "Rhys, noon pala pumunta rito ang Uncle Timmy mo, sabi n'ya fake ang kasal natin," naalala kong itanong sa kaniya. Dumilim ang mukha n'ya kaya hinawakan ko sa braso n'ya. "Kalmahan mo lang nagtatanong lang po ako sa iyo Boss Rhys, kung totoo. Kasi kung fake naman. Edi pakasalan mo uli
閱讀更多