Jenyfer “Kuya Alfonso baka mapatay ni Rhys ang uncle n'ya. Awatin mo siya,” pakiusap ko sa kaniya ngunit ngumiti lang siya. “Ma'am, sa iyo nga po hindi nakinig si boss na takot iyon sa iyo. Sa akin pa kaya na tauhan n'ya lang kami?” saad n'ya kakamot sa buhok niya. Kasi kanina ko pa siya sinasabihan na awatin ang kanyang amo. Ayaw ko lang naman na magsisi ang asawa ko sa huli dahil para sa akin, kamag-anak pa rin n'ya si Timmy. Isa pa mababahiran lang ng kasamaan ang kamay n'ya sa walang kwentang si Timmy. Mas okay kung sa kulungan na lang nito pagbayarn ang kasalan nito s akin. “Pero Kuya. May batas naman. Hindi na siya makalligtas sa batas ako mismo sisiguraduhin kong makukulong siya," “Alam na ni boss ang ginagawa n'ya. Antayin na lang natin siya sa labas iyan ang utos n'ya,” "Ha?" "Oo ma'am iyan ang sabi n'ya," “Wala akong narinig,” laban ko. “Ma'am, sa senyas ni boss, dalhin ka na raw sa kotse n'ya. Naroon na po ang Nanay mo,” “Ang Nanay ko?” bulalas ko. “Si
閱讀更多