VIVIAN LUCIANO’s POV “Dad… we finally found Jasmine.” Parang tumigil ang oras sa loob ng malawak na study room matapos bigkasin ni John ang mga salitang iyon. Tumahimik bigla, para bang pati hangin ay hindi na makagalaw sa pagitan naming tatlo. Nakaupo si Jose Luciano sa swivel chair, nakasandal nang bahagya habang kaharap ang nakabukas na mga dokumento sa mesa. Ngunit ngayon, hindi na gumagalaw ang mga mata niya sa papel. Dahan-dahan siyang napatingin sa amin. “What did you say?” Mababa, malamig ngunit may bahid ng panginginig ang tinig niya. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni John. Ramdam ko ang sarili kong nanginginig, pilit pinipigilan ang luha na kanina pa gustong kumawala. “We found our daughter, Dad,” ulit ni John, mas matatag na ngayon. “Jasmine is alive.” Sandaling katahimikan muli ang namagitan pagkuwa'y dahan-dahang ibinaba ng matanda ang suot niyang reading glasses. Isinandal niya ang likod sa upuan at ipinikit ang mga mata, tila sinusubukang ayusin ang bi
閱讀更多