Lena’s POV Makalipas ang isang linggo, nanatiling payapa ang takbo ng buhay namin ni Caelus sa beach resort niya. Wala kaming ginawa kundi ang manatiling magkasama, na para bang natatakot kaming masayang ang bawat segundo kaya naman sinusulit namin iyon. Sa umaga, ako ang nagluluto ng agahan habang naririnig ko siyang naglalakad palabas ng kwarto, magulo ang buhok, antok pa ang mga mata pero agad akong nginingitian na para bang ako lang ang gusto niyang makita sa bawat paggising niya. Pagkatapos, sabay kaming maglalakad sa dalampasigan. Nakayapak, ramdam ang lamig ng buhangin at ang banayad na hampas ng alon. Tahimik man kami minsan, sapat na ang magkahawak naming mga kamay upang maramdaman na naroon kami para sa isa't isa. Pagdating ng tanghalian, ako ulit ang magluluto habang naroon siya at pinapanood ako, minsan nagkukulitan pa kami, at sa tuwing kumakain siya palagi niyang pinupuri ang mga luto ko. At sa tuwing sasapit ang dapit-hapon, uupo kami sa veranda. Siya, may
閱讀更多