SAGE’s POV Pagkamatay ng video call, mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Kailangan kong puntahan si Caelus. Damn… Hindi maganda ang kutob ko. Pakiwari ko may hindi magandang mangyayari. Maglalakad pa lang sana ako nang biglang bumukas ang mga ilaw. Napalingon ako at halos mapaatras sa gulat nang makita ko sina Lolo Luciano, Aunt Vivian, Uncle John, at ang tatlong magkakapatid na sina Julian, Jensen, at Jacques na mabilis na naglakad papalapit sa akin. Diretso ang tingin ng mga ito sa akin, seryoso at walang kangiti-ngiti sa mga labi. Pakiramdam ko tuloy para akong kriminal na nahuli sa akto. At sa totoo lang? Nakakapressure sila. “A-anong ginagawa ninyo?” gulat kong tanong habang kusang umatras ng isang hakbang ang mga paa ko. Ngunit imbes na sumagot, mabilis akong nilapitan ni Lolo. “Is that Caelus?” agad nitong tanong. “Is he with Lena? How’s my granddaughter?” Sunod-sunod ang tanong nito na tila ba mawawalan ng hininga kapag hindi agad nasagot. “Yes, Sag
閱讀更多