NAPATITIG si Bran sa kanyang boss bago niya sinulyapan ang suot niyang relo sa kanyang bisig. Gabi na at halos mag-aalas otso na ng gabi ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay nasa harap pa rin ito ng mesa nito. Sa totoo lang, alam na niya kaagad kung bakit ito nagpapaka-busy dahil may gumugulo sa isip nito.Gustong-gusto kasi nitong nagpapakabaon sa trabaho kapag may gumugulo sa isip nito. Matagal-tagal na rin simula noong mag-umpisa siyang magtrabaho para rito kaya kilala na niya ito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. “Hindi pa po ba kayo uuwi sir?” tanong niya rito.Ni hindi man lang siya nito nilingon. “Mamaya na ako uuwi. Ikaw mauna ka ng umuwi.” sabi nito sa kaniya. Tumaas ang kilay niya sa sagot nito. Mangilan-ngilang beses lang ito nagseseryoso sa trabaho at sigurado na talaga siyang may problemang iniisip ito. Nagdadalawang isip siya kung magtatanong ba siya o hindi pero sa huli ay hindi na rin niya nagawa pang pigilan ang sarili niya.“May problema po b
最終更新日 : 2026-02-16 続きを読む