CHAPTER 61: Ang Sayaw sa Ilalim ng UlanValderama Penthouse. Kasalukuyang Panahon.Umuulan ng napakalakas sa buong Maynila. Madilim ang kalangitan at paminsan minsan ay may kumikislap na kidlat sa malayo. Ang mga malalaking patak ng ulan ay walang tigil sa paghampas sa makapal na salamin ng penthouse namin.Para sa ibang tao nakakalungkot ang ganitong panahon. Pero para sa akin ito ang pinakamasarap na oras.Nakatambay kami ni Atticus sa malawak naming balcony. May mahabang bubong ang bahaging ito kaya hindi kami nababasa pero damang dama namin ang malamig na simoy ng hangin. Nakaupo kami sa isang malambot na sofa. Nakasandal ang likod ko sa dibdib ng asawa ko habang nakapulupot ang mga braso niya sa baywang ko. Nakabalot kami sa isang makapal at mainit na kumot.Sa maliit na mesa sa harap namin may dalawang umuusok na baso ng mainit na tsokolate. Tahimik lang kami. Pinapanood ang pagbagsak ng ulan at ang paglabo ng mga ilaw ng siyudad sa ibaba.Sino ba namang mag aakala na ang
続きを読む