CHAPTER 71: Ang Entablado ng PangarapGrand Ballroom. Makati City.Malamig ang aircon sa loob ng napakalaking ballroom pero pinagpapawisan nang matindi ang mga palad ni Michael. Nakatayo siya sa gilid ng makapal na pulang kurtina habang hinihintay na tawagin ang pangalan niya. Sa loob ng kwartong ito nakapaloob ang mga pinakamalalaki at pinakamayayamang negosyante sa buong Pilipinas. Sila ang mga hurado para sa Grand Finals ng National Pitching Competition.Kinuha ni Michael ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang itim na slacks. Binuksan niya ito at tinignan ang mensahe ni Solene na natanggap niya kagabi.Nandito lang ako palagi Treasurer. Galingan mo bukas. Mahal na mahal kita.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Michael. Ang mga salitang iyon ng babaeng mahal niya ang nagbibigay sa kanya ng lakas para harapin ang kahit anong kaba. Wala man si Solene sa tabi niya ngayon dahil nag umpisa na itong pumasok bilang CEO alam niyang naniniwala ito sa kanya. At h
続きを読む