“Mali ka ata, Miss. Hindi Natalia ang pangalan ko. Clea… Clea ang pangalan ko,” mahinahon pero may distansyang sagot niya, sabay marahang hinila ang kamay niyang hawak nito.“No, you are Natalia…” wala sa sariling sambit ng babae kaya naman halos kumabog ang dibdib ni Natalia.“Clea po ang pangalan ko, baka kamukha ko lang yung sinasabi mo. Sige, Miss, mauna na ako, nagmamadali kasi ako, eh,” dagdag pa niya bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo, hindi na lumingon kahit isang beses.Habang si Sandy naman ay tila napako sa kinatatayuan niya. Kakadating niya lang galing sa Manila at dumaan lang siya sa mall para bumuli ng ilang stocks bago pumunta kila Emilio. Isa siya sa magiging architect ng project so she was there for that but…Hindi siya makagalaw. Hindi siya makapagsalita.Parang nanigas ang buong katawan ni Sandy habang nakatitig sa direksyon kung saan naglakad palayo si Natalia—ang pinsan niyang matagal na niyang iniyakan, matagal na niyang pinaniwalaang wala na.Pinanood niy
Read more