“Pero—”“Papa, nasira.”Natigilan lang si Natalia at Drake sa pag-uusap nang marinig ang boses ng anak nila.Tapos na itong kumain at naglalaro nanaman ng baril-barilan.Nakaupo ito sa sahig habang hawak ang plastik na laruan, nakakunot ang noo na parang napakalaking problema ang kinakaharap.“Oh? Bakit? Anong nangyare?” Tumayo naman agad si Drake para daluhan si Drake Jr.Agad nitong nilapitan ang bata kahit na hindi pa nga tapos sa kinakain.Inabot ang laruan.Sinuri kung saan nasira.Pinindot ang gatilyo.Inikot ang maliit na parte na natanggal.“Ah, ito lang pala,” mahinang sabi ni Drake habang inaayos ang maliit na piraso. "Maaayos to ni Papa, kung di maayos, edi bibili na lang si Papa," natatawang sambit na lang ni Drake kay Drake Jr.Natawa lang din si Drake Jr. "Huwag mo na ayusin, bilhin mo na lang ako ng bago, Papa," sambkt pa ni Drake Jr kaya naman napasinghab si Natalia."Drake Jr.---""Bibilhan kita pag maraming makuha si Papa bukas na isda," nakangiting sambit ni Drake."
Read more