Lalo na tuwing gabi na sinusubukan niya itong halikan, pero umaatras ito, na para bang kahit na limang taon na silang magkasama ay hindi pa rin sapat. Natawa nang mahina si Natalia at napailing sa lambing na ipinapakita ng Drake, ramdam ang init ng yakap nito, pero kahit na ganoon ay hindi pa rin nito maramdaman ang kahit anong kilig na pilit niyang sinusubukang maramdaman. Napatingin na lang anak niyang si Drake Jr. Nakatayo ito sa gilid, malayo sa kanilang dalawa, habang nakasimangot nang malalim. Magkakrus ang maliliit nitong mga braso sa dibdib habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa, halatang hindi natutuwa sa nasasaksihan. “Gusto kong matulog. Kailangan po bang kasama ako don? Saka nakakainis kaya yung apo ni Mayor,” sambit ng bata, na kahit wala pa at hindi pa nakikita ang anak ni mayor ay naiinis na siya. Ang pananalita nito ay masyadong matanda at seryoso para sa isang apat na taong gulang na bata, na tila ba pasan na nito ang daigdig sa sobrang aga. “Ba
Read more