BINUHAT siya ni Sevi patungo sa silid nito. Hindi siya umangal at hinayaan niya lang ito. Sa silid ay madilim din, katulad ng sa sala, tanging ang night lamp lang ang nakasindi dahilan para maging malamlam ang ilaw sa loob ng silid at dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi maalala ang gabing iyon, ang unang gabi na may namagitan sa kanilang dalawa dahilan para mabuo ang dalawang cute na bata.Hindi nagtagal ay tuluyan nang dumampi ang balat niya sa malambot na kama. Walang maririnig na ingay sa pagitan nilang dalawa. Pumatong ito sa kaniya ngunit nanatili ang distansya sa kaniya at pagkatapos ay napatitig sa kanyang mukha, sa kanyang mga mata bago nito itinaas ang kamay, itinakip sa kanyang mga mata.Hindi niya alam kung anong gusto nitong gawin hanggang sa naramdaman na niya ang pagdampi ng labi nito sa kaniya kasabay ng pagtanggal nito ng kamay sa kanyang mga mata. Napapikit siya ng mariin, hinayaan ang dila nitong pumasok sa loob ng bibig niya at ilang sandali pa ay kusa na laman
Last Updated : 2026-02-20 Read more