BAGO pa man may mangyari sa kanilang dalawa ni Sevi, mabuti na lang ay napigilan niya ito. Ngunit hindi siya nito hinayaang lumayo sa kaniya. “So, pumapayag ka ng makasama ako?” tanong nito sa kaniya na nagniningning ang mga mata na parang isang bata.Nag-iwas siya ng tingin at napabuntong hininga dahil hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at bakit niya ito biglang hinalikan. Napakagat labi siya at hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito sa kaniya. Payag na nga ba siya sa gusto nito? Pero hindi nito nilinaw ang magiging relasyon nila, basta ang sabi lang nito sa kaniya ay gusto siya nitong makasama.Bigla nitong hinawakan ang kanyang labi dahilan para muli siyang mapalingon dito ng wala sa oras. “Huwag mong kagatin ang labi mo, ako lang ang may karapatang gawin yan.” sabi nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay hindi nagbabago habang nakatitig sa kaniya, punong-puno ito ng emosyon na hindi niya mabigyan ng pangalan. “Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko.”
最終更新日 : 2026-03-21 続きを読む